I’ve been suffering from this illness for almost a month now. Maagang magigising dahil sa panaginip, titingnan ang cellphone at pagkatapos mapapatingin sa kisame at saka bubuntung-hininga. Tapos iisipin kung anu-ano na nga bang mga bagay ang pwede na namang gawin para takasan lahat ng tumatakbo sa utak ko, bakit ganyan, bakit ganun, kailan, bakit, bakit, bakit? Puro bakit, walang kasiguraduhan pa rin sa tanong na lalong nagpapagulo sa takbo ng utak.

Pagkagising, pupunta sa banyo, titingnan ang mukha sa salamin, pagkatapos maghihilamos tapos titingnan uli sa salamin ang mukha ng ilang segundo, 1, 2, 3…

Mag-iinternet… Kakain, kakain, magbubuklat ng libro na ayaw magpaintindi dahil sa hirap basahin. Objectivism and Existentialism ang drama ng mga writer.

Manonood ng TV.. manonood ng DVD, matutulog hanggang sa unti-unti na naman akong patayin ng gabi sa kaiisip.

Pagkatapos ng ilang taong pag-aaral, nakakulong ako ngayon sa bahay, walang ginagawa sa buhay, pinagmamasdan habang unti-unting natutunaw lahat ng pangarap ko.

~ by jombitsky on May 25, 2009.

Leave a Reply