Filipino film in CANNES
22. EXT. SMOKEY MOUNTAIN. AFTERNOON
Naglalakad sa Smokey Mountain sina Joseph at Ruben. May mga bahay na barung-barong ang nakapaligid sa bunduk-bundok na basura. Naglipana ang mga langaw na kahit saan ay lumilipad.
Sa isang umpukan ay may mga batang maralita ang namumulot ng basura. Madungis ang damit ng mga bata, ang kanilang hitsura’y masyadong maamos. Dinadapuan ng langaw ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga bata ngunit wala silang pakialam dito.
Mapapansin nina Joseph at Ruben na sa isang umpukan nama’y may mga foreigner na may dala-dalang camera. Kinukuhanan ng mga ito ang mga batang paslit na namumulot ng basura. Kinukuhanan nila ang mga bata at ang kahirapan na kanilang pasan-pasan.
RUBEN
Tingnan mo ‘tong mga foreigner na ‘to, kuha ng kuha ng mga pictures. Tiyak ko, isasali yan sa kung anu-anong Photo contest sa ibang bansa.
Titingnan ni Joseph ang nagaganap. Patuloy sa pagkuha ng mga litrato ang mga foreigners habang ang ibang bata ay umaarte na kunwari’y namumulot ng basura. Ang iba nama’y kakaway-kaway pa sa camera.
JOSEPH
Yan ang gustung-gusto ng mga taga-ibang bansa, ang kahirapan, ang baho, ang dumi, ang krimen, ang third world.
RUBEN
Kaya nga ba sinasabi ko na sa’yo kapag nakuha na natin ang kayamanan na hinahanap natin eh gumawa agad tayo ng pelikula tungkol sa kahirapan. Ipapakita natin tong Smokey Mountain! Yung mga bata na yan na pinipicture-an ng mga foreigners eh isasama natin sa video para magmukhang nakakaawa talaga yang mga batang yan!
JOSEPH
Sure hit yan tsong! Patok agad sa mga tao yan. Hahaha. Ganun ang gustung-gusto nila di ba? Isipin mo ‘to naglalakad tayo sa world red carpet premiere ng unang maayos na pelikula natin! Nagpapalakpakan ang lahat ng tao, kinukunan tayo ng pictures. Nagsisigawan ang lahat!
CUT TO
23. INT. MOVIE HOUSE. NIGHT (dream-like)
Naglalakad sina Joseph at Ruben sa world red carpet premiere ng kanilang unang maayos na pelikula. Maraming tao ang nakatingin sa kanila. Ang iba’y mga reporters, may mga photographers, may mga nanonood lang.
Maingay ang lahat ng tao. Naghahalo ang sigaw, palakpakan, at kantiyawan. Patuloy pa rin sa paglalakad sina Joseph at Ruben. Lalong lumalakas ang palakpakan at sigawan ng mga tao.
Nakangiting babatiin ang lahat ng tao nina Joseph at Ruben. Halatang-halata ang galak at tuwa na kanilang nararamdaman dahil sa natamong tagumpay ng kanilang unang pelikula na tungkol sa kahirapan, seks, at krimen.
CUT TO
24. EXT. SMOKEY MOUNTAIN. AFTERNOON.
Babalik sina Joseph at Ruben sa pag-uusap.
RUBEN
Puta! Ang astig ng pelikula natin pag nagkataon!
JOSEPH
Kikita na sa box office, mananalo pa tayo ng mga international award. Basta lalo nating ipapakita ang kahirapan, yung dumi, yung puro basura, tapos may krimen, dapat may rape scene ng tatay na momolestiyahin ang anak niyang batang babae. Tapos may bakla sa kanto na papatayin ng call boy! Putek! Asteeg!
RUBEN
Tsong, mananalo tayo ng award niyan!
JOSEPH
Hindi lang award. Sisikat tayo sa buong mundo! Tayo ang magpapatuloy sa Third World Cinema!
CUT TO
25. EXT. INTERNATIONAL FILM FESTIVAL. NIGHT. (dream-like)
Nasa isang international film festival sina Joseph at Ruben. Awards Night ito nang film festival.
HOST
And the Best Picture Award goes to..
Ipapakita sa audience sina Joseph at Ruben na magkahawak-kamay. Halatang nagdarasal na sana’y sila ang tawagin sa entablado.
HOST
POOR-lipinas by Joseph Mercado
Magtatayuan ang lahat ng tao. Magugulat si Joseph sa narinig, siya ang nanalo. Palakpakan ang lahat ng tao.
Tatayo si Joseph mula sa kanyang inuupuan. Yayayain siyang pumunta sa stage ni Ruben.
JOSEPH
Thank you, thank you very much! God, thank you for giving me the talent! To my Lolo Andres and to my brother Jinggoy, thank you for always supporting me. To my mom and dad who are now playing poker with Saint Peter, this is for you both! To Ruben, my dearest friend, thank you thank you very much! To my staff and crew, thank you very much! To Rizal and Simoun, thank you also! To my beloved countrymen, this is for us! Bansa natin yun! Ang galing natin!
Magpapalakpakan muli ang lahat. Tuwang-tuwa si Joseph na bababa sa stage ng film festival.
Ang Primera Klaseng Pelikula sa Ikatlong Mundong Masagana
(An excerpt from my Film122 script under edlej)

Leave a Reply