Magtatatlong buwan na pala akong bum. Maliban sa pagbabasa ng libro o mga nobela (sa suma ko’y nakatatlong nobela na ako at inuumpisahan nang basahin ang “Acquiring Eyes” ni Beller), panonood ng mga pelikula sa DVD na pinagpaguran kong hagilapin sa Quiapo, pag-iinternet (facebook, pagbabasa sa mga forum, paghahanap ng mga journalistic article, film reviews at kung anu-ano pa na pinapaniwalaan kong makakatulong para hindi pumurol ang utak ko),  at pag-iisip ng lahat ng mga bagay at pangyayari na maaaring pumasok sa utak ko, tinatakasan man ‘to o hinahagilap kung saan, eh wala na akong ibang ginagawa. Minsan nakakasawa din pala pero minsan iniisip ko, kung tatanggapin ko ang ilang trabaho na hindi ko naman talaga in-apply-an kundi ni-refer lang ako, magiging masaya ba ‘ko? Makakatawa pa ba ko tulad ng nagagawa ko ngayon? Nasa matino pa kayo akong pag-iisip kapag tinanggap ko ang mga yun?

Pero isa lang ang napansin ko, masyado akong nagiging mapangarapin. Nangangarap ako ng kung anu-anong mga bagay na alam kong malayong mangyari sa reyalidad. Kailan kaya matatapos ang digmaan sa mundo? Kailan kaya mare-realize ng CNN at BBC na mas importante ang nangyayari sa Iran kaysa sa 24-hour coverage nila ng kamatayan ni Michael Jackson? Kailan kaya matututunan ng nanay ko na baliw ang isa niyang anak? Ayaw magtrabaho, hindi alam ang gusto sa buhay. Hindi ko gustong yumaman, ang gusto ko maging malaya.

Sa mga susunod na araw, hindi ko na alam ang gagawin ko, siguro manonood na lang ng TV o pelikula, o magbabasa ng libro, o mag-iinternet. O siguro susubukan ko na lang ulit magsulat. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magsulat o baka nagtampo na ang dalawa kong kamay. Ayun.

~ by jombitsky on June 27, 2009.

2 Responses to “”

  1. hey friend. i miss you guys so much,
    musta na ba kayo???

    hope we can have a get-together soon.
    keep in touch, always be safe.

  2. hi bjay! i miss you. nagyayaya nga sila. let’s go! ;p

Leave a Reply