Ang cursor ng computer na nakaturo sa itaas, ang typing cursor na tila kumikindat, puti na magiging itim, lalabas na magtatago, parang tibok ng puso. Sabi ng kantang pinapakinggan ko ngayon, “i am falling to pieces”. Nagpapaka-poetic sa gitna ng krisis at trahedya, sa ligalig ng kalungkutan sa mundo. At ako, narito, nagtitipa ng nararamdaman; at naniniwalang isang araw ay matutupad ang fantasya na sana’y nasa ibang mundo ako ngayon, nasa ibang panahon, nasa ibang pagkakataon, at nasa ibang ako.
patlang.
